Saturday, September 23, 2017

Barasoain Church of Malolos Bulacan

                                   

Madaling araw, gumayak na kami dahil kami ay aalis. Kami ay mag sisimba sa 
Barasoain Church ng Malolos, Bulacan. Nagagalak ang lahat sapagkat unang 
Beses kami makakapunta doon. Mahaba-habang byahe nanaman; magandang tanawin
At bago sa aming paningin. Magpapasalamat kami sa mga biyaya, hihingi ng 
Tawad, at hihiling ang aking  Ama't ina. Nang nasa simbahan na kami, 
hindi muna kami pumasok kasi ay nag aayos pa at nagpapalit muna ng isusuot. 
Pagkatapos pumunta na kami sa loob ng simbahan. May batang babae na nagtanong 
kung ano ang aking pangalan, binigay ko ito at hindi ko na muli pinansin ang bata dahil 
nasa loob na kami ng simbahan Para magdasal at hindi para makipagdaldalan. 
Pagkatapos mag dasal ay kumukuha kami ng larawan, may dumating na matandang 
Babae ata naupo sa upuan.  May hawak itong iba't ibang itsura ng lobo na katulad ng 
  Mga usong-uso sa mga bata na may cartoon characters.

Hindi talaga maalis ang aking paningi  sa matanda, napansin kong marami siyang
Bilog bilog sa mukha na parang nunal ngunit kakulay ng ng balat niyang 
Kayumanggi. Pagkatapos, nagsindi kami ng kandila at papaalis na.
 Ang matandang babae ay naka upo pa rin at nagpupunas siya ng kanyang pawis. 
Bago kami umalis sinadya kong magpahuli at kumuha ng 20 pesos mula sa aking wallet.
 Binigay ko ito sa matanda at sinabing bumili siya ng kanyang maiinom at makakain.
"Maraming salamat apo" aniya. Ngumiti ako at umalis na. Pumasyal pasyal muna kami 
Sa simabahan sapagkat nakakabighani talaga ang lugar. Nakita namin ng pinsan ko 
Yung souvenir shop kaya naman pumunta kami doon at pumasok. Nagandahan  ako 
Sa mga nandoon kaya ang sinabi ko sa nagtitinda ay  babalik  ako dahil wala 
Akong dalang pera.

Sumama sa akin si mama sa souvenir shop at namili kami. Naikwento ko na rin
Yung tungkol sa matandang babae. Napukaw ng aking mga mata ang kwintas na 
Rosaryo dahil napakaganda niya at bigla kong naalala ang matandang babae 
Kanina kaya binili ko din iyon. Nanguha din ako ng pagkain sa van dahil may 
Baon kami; nanguha ako ng tinapay at tubig para sa matanda. Dali-dali akong 
Pumunta sa kinapupwestuhan ng matandang  babae kanina, napakasaya ko sapagkat
Nandoon pa din siya. "Lola, ito po pagkain at saka tubig. Itabi niyo na lang po
Yung 20." Sabi ko sa matanda. "Maraming salamat  talaga apo" aniya na medyo
Naiiyak na. Kinuha ko sa aking bulsa ang binili kong kwintas na para sa kanya.

"Lola, bigay ko po sainyo para may proteksyon po kayo kaso 
Di ko pa po napapabless e." Sabi ko. "Ayos lang apo, ako na lang 
mag-papabless niyan." Sagot ng matanda. "Ako na lang po maglalagay sa inyo
Para po si kayo mahirapan" sabi ko kay Lola. Tinggal ko sa balot ang kwintas
At isinuot ito sa kanya. Paglinggon ko, nakatingin sa aming dalawa ng matanda
Ang  karamihan imbis  na makinig sa sermon ng pari. "Lola, wag niyo po
Tanggalin ah?." "Oo naman. Maraming salamat apo ko di kita malilimutan" sabi ni
Lola. "Babye po Lola" paalam ko rito. 

Huli na ng maalala kong hindi ko pala nakuha anb pangaln ni Lola, pero 
Kahit hindi ko natanong ay tandang tanda ko naman ang itsura niya. Hindi rin
Ako nakapagpakiha ng larawan na kasama siya. Ngunit kahit ganoon ay
Masayang masaya ako, malay mo pagkita  kamk ni Papa God at kapag nangyari 
Iyon itatanong ko na ang kanyang pangalan.




No comments:

Post a Comment